Lunes, Nobyembre 7, 2016

CLIMATE CHANGE


  Ang ating mundo ay nakakaranas ng iba't - ibang uri ng panahon, bakit nga ba nag babago ang klima o panahon ng ating mundo? Ano ba magiging epekto o sanhi sa kalusugan o pamumuhay ng isang tao? Ang bawat isa ay dapat maging responsable sa kanilang paligid dahil kailangan nila ito, ang mga tao ang may kailangan ng malinis at magandang paligid hindi ang kalikasan.



 Ang climate change ay pag babago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng green house gases na nagpapainit sa mundo. Ayon kay P.M. Francisco, M.A. Limas at N. Padlhin "ang climate ay ang paglihis ng takbo ng klina mula sa nakasanayang pattern klima na naitala daang taon nakalipas simula ika20 na siglo". May ibat ibang epekto ang climate change ang pag taas ng temperatura,paghaba ng panahon ng taginit at pag taas ng antas ng tubig kung titignan hadlang sa likas na pag takbo ng mundo. Ang climate change din ay may epekto sa ating kalusugan ito ay dala ng insekto tulad ng lamok (dengue at malaria ) atng daga ( leptospirosis) dulot ng polusyon (allergy) malnutrisyon at dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pag tatae. Kung may epekto ang climate change meron rin itong sanhi. Ang sanhi ng climate change ay natural na pag babago ng klima ng buong mundo nitong nagdaang panahon. Mga gawain ng tao na nag bubunga ng pag dami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang (GHG's) at ang climate change rin ay nag dudulot ng mga sakuna kagaya ng heatwave at tagtuyot at maraming mag dudulot ng pag kakasakit ng tao o kaya ang pag kamatay.


 Masasabi kong walang magandang solusyon sa climate change dahil hindi natin mapipigilan ang mga dadating na sakuna at sinasabing may taas ng temperatura ay dahan dahan lang. Natutunan ko na wag mag abuso ng bagay bagay dahil nakakasira ito ng ating kalikasan.

References: